Dating Nakagawian

fvd3jlj

Advertisements

Mga Litrato

bampw-black-and-white-camera-memories-photo-favim-com-406720

Pagtangi panatilihin sa pamamagitan
Ng mga litrato na magsisilbing alaala
At kailanman hindi ipipikit ang mga mata
Upang ang puso’y hindi kailanman
magiging sawi, bagkus, patatatagin
pa ito ng panahon

Itago mo ako sa bulsa ng iyong
sirang maong na pantalon
At ilapit mo ako hanggang
Sa magtagpo ang ating mga mata
At sa pagbabalik ko, hindi ka na
mapag-iisa

© 2016 Moon Flower

Animo’y Nasa Bukirin

8kdnmj

animo’y nasa bukirin
habang dinig ang himig
na tila sing harot ng
isang binibining mayumi
ito ang tipo ng tugtog
na dumidikta sa kamalayan
ng isang tulad kong walang
magawa kundi ang managinip
sa gitna ng magulong siyudad
siyudad na kung saan
pinamumugaran ng makabago
di lang ng nilalang kundi ng
material na mga bagay
mga bagay na nagpapabulag
at naglalarawan lamang ng
kahinaan bilang mortal na nilalang
© 2016 Moon Flower

Dito sa Bansa Namin

Ang bayan namin
Mayaman sa likas na yaman
Mapayamang-tubig,  mapayamang-lupa
At, oo, mapayamang-tao…
Pero karamiha’y salat pa rin sa yaman
Dito sa bayan namin
May mga sinaunang bayani
Nangamatay halos sa pakikipaglaban
Masaklap lang, kahit di bayani
Nakikipagpatayan sa kapwa pinoy
Dito sa bayan namin
Ang tawag sa bagong bayani
Ay yaong nagbubuwis buhay
Sa ibang bansa upang buwisan
Ng gobyerno namin
Dito sa aming bayan
Kakaiba ang takbo ng pulitika
Pwede kahit sino ang maghangad
Pwede nga ang sintu-sinto
Ang alien pa kaya?
Dito sa aming bansa
Uso rin ang balimbing
Doble-kara kung tawagin
Parasitismo kung ihahambing
Mabango sa umpisa
Kalauna’y amoy bilasa ka na
Simpleng opurtunista
Ang katawagan dun
Dito sa aming bayan
Uso rin ang reklamador
Reklamo dito,  reklamo dyan
Di nga lang uso ang manalamin
© 2015 Moon Flower

Silent Treatment

‘Di mo naman
kailangan
ipadama ang
“silent treatment”
para ma-miss ka

Ikaw pa rin naman
ang natatangi
ano pa man
ang mangyari

Alam mo naman
kung gaano ka
kaimportante lalo
na sa pandinig ko
mahal kong headset!

© 2015 Moon Flower

Ang Medya sa Pinas

Malaking papel ang ginagampanan
Ng medya sa buhay ng mga Pinoy
Oo, kasama na doon ang laki
Ng responsabilidad sa magkabilang
Panig, tayo bilang tumatangkilik
At silang mga namumuhunan
Para magbigay ng serbisyo
Mas madalas kaysa sa hindi,
Malaki ang naitutulong nito
Kahit anong estado ka pa
Ng sosyudad natin
Subukan mong
Alisin ito
Ano kaya ang mangyayari?
© 2015 Moon Flower

Sino ang Panalo, Sino ang Talo?

Mayaman ang ating inang bayan
Mapakultura, mapalikas na yaman
At mapakasaysayan ng bayan
Walang dudang magkainteres
Mga ganid na dayuhan
Di lingid ang pananakop
MapaHapon, mapaKastila,
MapaTsina, Mapa Amerika,
Itong huli, ang Sabah – Malaysia
Dagdag pa dito ang pang aangkin
Ng Tsina sa ilang isla at karagatan
Kawawang Pilipinong mangingisda
Apektado sa nangyayaring agawan
Habang ang mahal nating lider
Kandaugaga sa pangsulong ng BBL
Tila may kasama pang banta
Bakit kaya tila ganun na lang
Ang hayagang pagkumbinisi
Sa ating mga mamamayan?
Hindi kaya may natanggap
Nang paunang kabayaran
Bago magkapirmahan
Sa naturang kasunduan?
Tingin nyo, pag naipasa ito
Sino ang panalo at sino talo dito?
© 2015 Moon Flower

Bafflement

pale-peach-rose-meaning-040813

The roses will be fazed
 From any drifter’s attempt
 To touch even a single splint
 Might kill them anytime soon

Wouldn’t you tend them softly
 By nurturing them everyday
 A secret promise to mystery
 Might unveil anytime soon