Mga Litrato

bampw-black-and-white-camera-memories-photo-favim-com-406720

Pagtangi panatilihin sa pamamagitan
Ng mga litrato na magsisilbing alaala
At kailanman hindi ipipikit ang mga mata
Upang ang puso’y hindi kailanman
magiging sawi, bagkus, patatatagin
pa ito ng panahon

Itago mo ako sa bulsa ng iyong
sirang maong na pantalon
At ilapit mo ako hanggang
Sa magtagpo ang ating mga mata
At sa pagbabalik ko, hindi ka na
mapag-iisa

© 2016 Moon Flower

Advertisements

Manalig Ka

faith

Mayroong tunay  
May huwad na kalayaan
Subukan mong habulin
Ang dilubyo sa tasang papel
Tila may namumuong digmaan
At marami ang nalalagas,
Pero hindi mo makikita
Ang dulo ng daan
Habang  tayo’y
Naglalakbay

Sa sandaling ito
Huwag hayaang
Matapos ang lahat
Sa atin darating ang
Mapanghusgang mundo
Upang tayo ay hadlangan
Alam nating di sila mananaig
Habang Hila-hila ko ngayon

Ang aking sasakyan
Na May butas sa bubongan
Mga pag-aari’y nagbubunga lamang
Ng paghihinala at walang katibayan
Habang sa mga pahayagan ngayon
Naglalaman ang tungkol sa gyera
At iba pang walang kwenta
Minarapat mo na lamang

Ang manood sa telebisyon
Muli akong naglalakad ngayon
Sa saliw ng  tambol at binibilang
Ang ang mga hakbang sa pintuan
Ng iyong puso, tanging anino lamang
Ang makakapag palinaw ng bubong
Kailangan ko malaman ang pakiramdam
Ng malaya na at ng kalayaan

© 2016 Moon Flower

Nostalhik sa Lupain ng Sumisikat Na Araw

Isang luntiang lupain
May apat na panahon
Nangatiklop na mga bulaklak

Mga seresang kabibe na kaakit-akit,
Sa mga puting dalampasigan
Init ng puso ng sangkatauhan

Ang kulay ng dagat ganunpaman
Ay tila isang panahon ng kobalt
Sa magandang yugto ng panahon

Ika-labindalawang siglo
Isang napakahabang panahon
Isang likas na bendisyon

Nag-uugnay sa sangkatauhan
At sa kanilang bayan,
Tila mga nakataling

Punongkahoy sa baybay-daan
At matarik na mga edipisyo
Mga kalalakiha’y naghahangad

Para sa kalayaan
Habang mga kababaihan
Ay tyempo ng kahinahunan

Isang panahon ng nostalhik
Sa ika-labindalawang siglo
Isang napakahabang panahon

© 2015 Moon Flower

Mga Gintong Dahon

Naaala mo pa ba kung paano ito unang nagsimula?
Mga ngipin nating puti,  mga balat ng kabataan natin
Mga mata’y walang kasing linaw ng kastilang araw
Wala tayong tinatago noon
Ngayon, sinta ko, tayo’y mga gintong dahon
Pilit na kumakapit sa puno ng taglamig
Nakatayo na tila isang pares na magnanakaw
Habang  sa labas ay malakas na ingay ng sirena
Ano pang dapat sabihin kung bawat salita’y nasabi na
Ano pang dapat makita kung  mga mata’y di na maibukas
Ano pang dapat gawin kung nawalan na tayo ng pag-asa
At ano pang dapat masira kung mga puso’y nagdurugo
Naaala mo pa ba kung paano ito unang nagsimula?
Sobrang puno ng pag-asa at ngayon’y puno ng pagdududa
Ang maduming biro na ginagawa dati at pinagtatawanan
Tila hindi na nakakatawa
Pangambang mahirinan maliban na lamang kung iluluwa
Ganun pa rin ang amoy ng usok kahit wala nang apoy
Di mabubuhay sayo pero mamamatay pag wala ka
Pero minsan…
© 2015 Moon Flower

Isa Akong Bato

Isang malamig na araw
Sa isang tahimik at madilim
Na Disyembre, nag-iisa ako
Nakatanaw sa ibaba ng kalsada
mula sa bintana
Isang unti-unting nahuhulog
Suot nakapamburol na nyebe
Isa akong bato, isa akong isla


Nagtayo ako ng harang
Isang malakas at matarik na muog
Na walang makakapasok
Hindi ko kailangan makipagkaibigan
Dahil nagbibigay lang sila ng pasakit
Ang tawanan nila’t pagmamahal
Ay kinamumuhian ko

Ayaw kong pag-usapan ang pagmamahal
Narinig ko na ang mga yan dati
Nakatanim pa yan sa alaala ko
Hindi ko na gigisingin pa ang nahihimbing
Na pagmamahal at iyon ay pumanaw na
Kung hindi  ako nagmahal, hindi rin ako iiyak
Isa akong bato, Isang isla

May mga aklat ako at mga tula’t kwento
Na nagaalaga sa akin, kasama ko nang kalasag
Nagtatago sa kuwarto ko, ligtas sa sinapupunan ko
Wala akong sinasaktan at walang nanakit sa akin
Isa akong bato, Isa akong isla
At ang bato ay walang nararamdaman na sakit
At ang isla ay hindi umiiyak

© 2015 Moon Flower

Sa Sandali ng Kapayapaan

Sa mundong walang mga anghel
Kung saan ang pagkagunaw ay nalalapit

Kung kelan lahat ng tao’y estranghero
Dito’y hihimlay sa sandali ng kapayapaan

Ilawan ang kadiliman
At tingnan ang mga bituin

Pagmasdan ang inog ng mundo
At lumutang sa tuwa’t galak

Ilabas ang lakas, tikman ang alak
Inumin bilang isang kaluluwa
At mananaig ang Diyos na makapangyarihan

© 2015 Moon Flower

Bawat Hampas ng Alon

Sa bawat hampas ng alon
Sa dalampasigan
Tila nagbibigay ng pandama
sa mga alaala

Tulad ng mga paa natin
Nakayapak sa dalampasigan
Pilit hinahabol ang hampas ng alon
Pero tila sadyang mailap iyon

Sa bawat pakikipagsapalaran
Batid natin ang mawalan
sa anumang kaganapan

Sa bawat pumapalao’t naglalayag
Batid natin na ang karagatan
Ay kaibigang gawa ng kaaway

Sa bawat balisang kaluluwa
Aanhin pa ang mabuhay sa tuwina
Kung sadyang mailap ang tadhana

Tila dinig ko ang boses ng kapitan
Subalit mahirap pakinggan
Habang ikaw ay nanenermon

Katulad na lamang nitong
nagngangalit  na alon sa karagatan
Tila may kahirapang sugpuin

Kapag nagkalayo ang sa isa’t isa
Wala nang silbi ang katihan
Sa paglaki ng tubig

Ang dagat ay batid kung nasaan
Ang mga batuhan
At ang malunod ka’y di kasalanan

Batid  natin ang sigaw ng puso sa isa’t isa
At batid natin na puso’y takot manaig
Subalit kailangan na natin tapusin
Ang di pa nasisimulan

© 2015 Moon Flower