Mga Litrato

bampw-black-and-white-camera-memories-photo-favim-com-406720

Pagtangi panatilihin sa pamamagitan
Ng mga litrato na magsisilbing alaala
At kailanman hindi ipipikit ang mga mata
Upang ang puso’y hindi kailanman
magiging sawi, bagkus, patatatagin
pa ito ng panahon

Itago mo ako sa bulsa ng iyong
sirang maong na pantalon
At ilapit mo ako hanggang
Sa magtagpo ang ating mga mata
At sa pagbabalik ko, hindi ka na
mapag-iisa

© 2016 Moon Flower

Advertisements

Animo’y Nasa Bukirin

8kdnmj

animo’y nasa bukirin
habang dinig ang himig
na tila sing harot ng
isang binibining mayumi
ito ang tipo ng tugtog
na dumidikta sa kamalayan
ng isang tulad kong walang
magawa kundi ang managinip
sa gitna ng magulong siyudad
siyudad na kung saan
pinamumugaran ng makabago
di lang ng nilalang kundi ng
material na mga bagay
mga bagay na nagpapabulag
at naglalarawan lamang ng
kahinaan bilang mortal na nilalang
© 2016 Moon Flower

Malambot sa Tsina?

 Linggo ngayong araw na ito
 Bisperas ng bagong taon ng Tsina
 Di ko lang maubos maisip kung
 Bakit ipinag diriwang pa ito
 Sa bayan natin

 Di naman lingid lalo na
 Sa halos ng buong mundo
 Kung paano lapastanganin
 ang bansa natin, pero sa
 kabila nyan, patuloy pa rin

 Ang pagtangkilik natin
 Sa mga produkto nila
 Bakit di na lang kasi
 Balewalain muna ang lahat
 ng  nauugnay sa kanila

 Dito sa atin hangga’t
 Di  natatapos ang gusot
 Sa Isla ng Spratlys
 Sadya nga bang  ganun
 Na tayo kahina at kalambot?

© 2016 Moon Flower

Lupang Sinilangan

giphy

Oh lupang sinilangan
angkin mong likas na yaman
taglay mong likas na kagandagan

inspirasyon naming lahat
sadyang tinitingala ang iyong
kariktan, malaparaiso mong

kagubatan, malaporselanang
dalampasigan, karagatang
kulay asul, mga tanawing

sadyang kamangha-mangha't
kabigha-bighani, inaasam-asam
naming lahat na mabigyan

ng kaganapan ang aming
mga pangarap na masulayapan
man lang ang lahat ng iyon
bago pa man kami pumanaw...

Lipas Oras

images_q_tbn_and9_gc_sei5_qvs_vi_f6_mmn_f_b2_eat_in_dr_ds

Anong oras na?
Tila umaga na.
Nakikita ko ang langit
Napakaganda at kulay bughaw
Bukas ang TV pero tila ikaw
Ang nakikita ko

Bumangon ako’t naghanda ng kape
Sinubukan kong magbasa ng konti
Pero manipis lang ang kwento
Nagpasalamat sa Amang nasa itaas
At wala ka para makita ako
Sa sitwasyon ko

Nagpapalipas ng oras
Habang pinagmamasdan
Ang paglubog ng araw
Nanliliit. Nakatingin sa dingding
Umaasang iniisip mo rin
At nangungulilila din

Hanggang sa maidlip sa himig
ng kantang “Luha ng Payaso”
Isang panalangin na naglahong
Parang bulag,  sinubukang
Tumawag,  Pero di alam
ang sasabihin

Nag iwan ng isang halik
Sa answering machine
Nagsusumamo ng tulong
Kung meron isang nilalang
Upang ako’y gisingin
Mula sa panaginip na ito

Laging pinaalalahanan
ng mga kaibigan
“Tuloy lang ang buhay
at siguradong ang lahat ay
matatapos din”

Itong mapag larong pag-ibig
inisip mong mananaig
Kaipala’y magiging
talunan din

Sa Pagtaas ng Tubig

homemar

Kung masidhi
ang pangangailangan
ng tubig
manalangin ka ng ulan
Kung sa tuwina'y
malamig sa paggising
gumawa ka ng apoy

Kung gusto mo ng puno
tungo sa langit
magtanim ka ng buto
at hayaang tumubo

Kung kailangan mong maniwala
Sa galaw ng pag taas ng tubig
Sa kinang ng liwanag ng buwan

Sa saliw ng tunog ng ulan
Sa tamis ng halimuyak ng hamog
Sa pag lalakad kong mag-isa
habang iniisip ang tungkol

sa akin at sa iyo
Napagtanto kong 
Ang pag-ibig ay kailanman 
di magiging madali

 Anumang subok ang gawin
upang mapagtakpan
ang pighati at pawiin 
ang daloy ng luha 
sa mga mata

 Kung kailangan mo ang sinuman
Sana malapit lang sa iyong likuran
Upang madaling maibalot
ang mga braso (ko)
sa iyong mundo

Manalig Ka

faith

Mayroong tunay  
May huwad na kalayaan
Subukan mong habulin
Ang dilubyo sa tasang papel
Tila may namumuong digmaan
At marami ang nalalagas,
Pero hindi mo makikita
Ang dulo ng daan
Habang  tayo’y
Naglalakbay

Sa sandaling ito
Huwag hayaang
Matapos ang lahat
Sa atin darating ang
Mapanghusgang mundo
Upang tayo ay hadlangan
Alam nating di sila mananaig
Habang Hila-hila ko ngayon

Ang aking sasakyan
Na May butas sa bubongan
Mga pag-aari’y nagbubunga lamang
Ng paghihinala at walang katibayan
Habang sa mga pahayagan ngayon
Naglalaman ang tungkol sa gyera
At iba pang walang kwenta
Minarapat mo na lamang

Ang manood sa telebisyon
Muli akong naglalakad ngayon
Sa saliw ng  tambol at binibilang
Ang ang mga hakbang sa pintuan
Ng iyong puso, tanging anino lamang
Ang makakapag palinaw ng bubong
Kailangan ko malaman ang pakiramdam
Ng malaya na at ng kalayaan

© 2016 Moon Flower

Nostalhik sa Lupain ng Sumisikat Na Araw

Isang luntiang lupain
May apat na panahon
Nangatiklop na mga bulaklak

Mga seresang kabibe na kaakit-akit,
Sa mga puting dalampasigan
Init ng puso ng sangkatauhan

Ang kulay ng dagat ganunpaman
Ay tila isang panahon ng kobalt
Sa magandang yugto ng panahon

Ika-labindalawang siglo
Isang napakahabang panahon
Isang likas na bendisyon

Nag-uugnay sa sangkatauhan
At sa kanilang bayan,
Tila mga nakataling

Punongkahoy sa baybay-daan
At matarik na mga edipisyo
Mga kalalakiha’y naghahangad

Para sa kalayaan
Habang mga kababaihan
Ay tyempo ng kahinahunan

Isang panahon ng nostalhik
Sa ika-labindalawang siglo
Isang napakahabang panahon

© 2015 Moon Flower

Mga Gintong Dahon

Naaala mo pa ba kung paano ito unang nagsimula?
Mga ngipin nating puti,  mga balat ng kabataan natin
Mga mata’y walang kasing linaw ng kastilang araw
Wala tayong tinatago noon
Ngayon, sinta ko, tayo’y mga gintong dahon
Pilit na kumakapit sa puno ng taglamig
Nakatayo na tila isang pares na magnanakaw
Habang  sa labas ay malakas na ingay ng sirena
Ano pang dapat sabihin kung bawat salita’y nasabi na
Ano pang dapat makita kung  mga mata’y di na maibukas
Ano pang dapat gawin kung nawalan na tayo ng pag-asa
At ano pang dapat masira kung mga puso’y nagdurugo
Naaala mo pa ba kung paano ito unang nagsimula?
Sobrang puno ng pag-asa at ngayon’y puno ng pagdududa
Ang maduming biro na ginagawa dati at pinagtatawanan
Tila hindi na nakakatawa
Pangambang mahirinan maliban na lamang kung iluluwa
Ganun pa rin ang amoy ng usok kahit wala nang apoy
Di mabubuhay sayo pero mamamatay pag wala ka
Pero minsan…
© 2015 Moon Flower